Home NATIONWIDE Produktibong pakikipagpulong sa world leaders, ibinalita ni PBBM

Produktibong pakikipagpulong sa world leaders, ibinalita ni PBBM

MANILA, Philippines – KAAGAD na ibinalita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang produktibong pakikipag-usap niya sa mga world leaders at mga opisyal ng Estados Unidos.

Ibinalita rin ng Pangulo ang clean energy deals na nilagdaan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa kanyang pagdating sa Villamor Air Base, Lunes ng gabi, sinabi nito na nagkaroon siya ng hiwalay na pakikipagpulong sa APEC forum  kasama sina Chinese Presidnet Xi Jinping, Peruvian President Dina Ercilla Boluarte Zegarra, US Vice-President Kamala Harris, US Secretary of State Antony Blinken atUS Indo-Pacific Command Chief Adm. John Aquilino.

“Our discussions were, of course, very productive, with innovation, resilience, sustainability and inclusiveness as crosscutting themes, that are buttressed by our commitment to further strengthening cooperation to address common challlenges (both to our) economic and national security,” ayon kay Pangulong Marcos.

“These reinforced my discussions with leaders during the Apec Economic Leaders’ Meeting, in which I pushed for our priorities in clean, renewable, and accessible, affordable energy; food security; health systems; digitalization and digital transformation and digital inclusion of our MSME’s (micro, small and medium enterprises) and of course, climate action through regional cooperation,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo. Kris Jose

Previous articleTirador ng mga piyesa ng trak nakorner sa Malabon
Next article4 pang PDP-Laban at NP member tumalon sa Lakas CMD Party