Home NATIONWIDE Programa para sa mga tsuper na apektado ng PUV modernization program tiniyak...

Programa para sa mga tsuper na apektado ng PUV modernization program tiniyak ng LTFRB

MANILA, Philippines- Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may programa ang pamahalaan para sa mga driver na nawalan ng trabaho  matapos hindi makapag-consolidate na rekisitos sa public utility vehicle (PUV) modernization program.

“We have the social program of the government for those who do not really want to join the program… we have programs for TESDA [Technical Education And Skills Development Authority] and DOLE [Department of Labor and Employment] would be giving them employment yung ayaw magnegosyo,” ani LTFRB Chairman Teofilo Guadiz sa isang panayam.

Maaarin umanong kumuha ng vocational courses ang mga driver sa TESDA, at bibigyan sila ng pamahalaan ng kapital para makapagsimula ng negosyo.

Nangangailangan din ang mga kooperatiba at handang tumanggap ng mga driver upang matiyak na makabibiyahe ang kanilang mga unit sa loob ng 16 oras kada araw alinsunod sa modernized system, sabi ni Guadiz. Nangangahulugan ito na kailangang palitan ang mga driver kada walong oras.

Ayon naman kay Manibela chairman Mar Valbuena, 25,000 jeepney at UV drivers sa Metro Manila ang mawawalan ng trabaho pagsapit ng Feb. 1, apag hindi na pinayagang bumiyahe ang mga hindi nakibahagi sa konsolidasyon.

“Those figures are definitely inaccurate,” ani Guadiz said. Paliwanag niya, sa 42,000 jeepney franchise holders bago ang COVID-19 pandemic, 22,000 lamang ang nagbalik sa operasyon kung saan 21,000 ang consolidated.

Sabi pa ni Guadiz, halos 600 pa ang hindi tumalima sa Dec. 31 deadline, na nangangahulugang mayroong 97% consolidation rate sa Metro Manila “so there would be no jobs lost.” RNT/SA

Previous article5 sugatan sa karambola sa Tondo sa pista ng Sto. Niño
Next articleNPA leader tiklo sa MisOcc!