
Sa paggunita ngayong Hunyo bilang Prostate Cancer Awareness Month, pag-usapan natin ang delikadong kanser na ito na pwedeng taglay ng iyong asawa o anak na lalaki.
Ang prostate ay isang gland na taglay ng lalaki na korteng walnut na may sukat na 1-½ inches, matatagpuan sa ilalim ng pelvis at urinary bladder. Katuwang ito ng testes sa pagbubuo ng semen na nagtataglay ng mga spermatozoa na lumalabas sa pagtatalik o sekswal na kaganapan.
Samakatuwid, malaking bahagi ito ng male reproductive system.
Bagamat hindi pa matukoy ang kadahilanan ng prostate cancer, sinasabing may tuwirang kinalaman ang edad at family history. Delikado sa kanser na ito ang mga lalaking nasa 50 pataas na ang gulang.
May mga haka-haka na ang mga lalaking hindi naka-pagpalabas ng semilya ay nagkakaroon ng prostate cancer gaya ng mga pari. Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na masusing pinag-aaralan ito.
May mga lumabas kasing resulta na malayo sa pagkakaroon ng kanser ang mga lalaking may tatlo hanggang limang ejaculation bawat araw.
Walang sintomas na ipinakikita ang kanser na ito dahil sa labas ng prostate namumuo ang tumor at hin- di nakababara sa urethra. Ngunit kapag ito ay malala na, nagdudulot ito ng iba- yong sakit, hirap sa pag-ihi, kawalan ng gana sa pa-kikipagtalik at erectile dysfunction.
Nagagamot ang prostate cancer kung ito ay naagapan kaagad. Bagama’t walang ipinakikitang sintomas, da- pat ay nagpapa-check-up ang mga lalaking may edad 40 pataas gaya ng digital rectal prostate examination isa o dalawang beses isang taon, prostate-specific antigen, transrectal ultrasound, at prostate biopsy.
Kung nag-positibo, dapat ding sumailalim sa CT scans at Bone Scans para mala-man ang lawak na apektado ng kanser. Ang mga paraan sa paggagamot nito ay ang surgery, radiation, therapy, stereotatic, radiosurgery, at proton therapy.
Para makaiwas sa pag-kakaroon ng prostate cancer, narito ang mga pamamaraan – balanseng pagkain na nagtataglay ng fiber, carbohydrates, at mga nutrient. Garantisado din ang pagkain ng gulay at prutas na mayaman sa anti-oxidants gaya ng kamatis, pakwan, bayabas, at iba pa.
May mga pag-aaral na nagsasabing malaking tulong ang mga pagkaing mayroong Vitamin E at B6, selenium, zinc, omega-3 at lycopene.
Dapat ding magkaroon ng physical activities na 30 minutes kada araw gaya ng brisk walking at biking.
Iwasan din ang chronic stress, paninigarilyo, sobrang pag-inom ng alak, at pagga-mit ng droga.
At hikayatin ang inyong mga asawa na palagiang sumailalim sa mga pagsusuring medikal.