Home NATIONWIDE Protected bike lanes pahahabain pa ng DOTR

Protected bike lanes pahahabain pa ng DOTR

175
0

MANILA, Philippines – Target ng Department of Transportation (DOTr) na palawakin pa ang protected bike lanes network sa 2,400 kilometro hanggang sa 2028.

Sa ngayon, nasa 564 kilometro na ng protected bike lanes ang nailagay sa Metro Cebu, Metro Manila at Metro Davao.

Ang anunsyong ito ng ahensya ay kasabay ng pagdiriwang ng Road Safety Month upang paigtingin ang road safety at awareness sa health impact at economic costs dito.

“As we rethink mobility and shift our focus on the most vulnerable road users, the call for responsibility and accountability on the road is further reiterated,” ayon sa DOTR.

“Everyone is also enjoined that all road users, particularly those who are most at risk, deserve uncompromised safety on the road.”

Advertisement

Ang protected bike lanes ay nasa ilalim ng active transport program ng DOTR, isa sa flagship programs ng ahensya na ayon din sa National Transport Policy at Philippine Development Plan 2023-2028.

Matatandaan na ang protected bike lanes ay ipinatupad sa kasagsagan ng pandemya noong 2021 kung saan ang mga manggagawa ay umaasa sa bisikleta para makapasok sa trabaho dahil ang mga pampublikong transportasyon ay suspendido o limitado pa dahil sa COVID-19 restriction.

Batay sa 2020 survey ng Social Weather Stations at Department of Health, 87% ng mga Filipino ang sumasang-ayon na mas magiging maganda ang mga kalsada sa lungsod at munisipalidad kung isasaprayoridad ang mga pampublikong transportasyon, bisikleta at pedestrian kaysa sa mga pribadong sasakyan. RNT/JGC

Previous article82% ng sakahan sa bansa, may mababang soil fertility – DA
Next articlePagtatapos ng global health emergency sa COVID, hudyat ng pagtutok sa ekonomiya – PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here