Home NATIONWIDE Proteksyon, benepisyo sa media at showbiz workers itinulak ni Sen. Go

Proteksyon, benepisyo sa media at showbiz workers itinulak ni Sen. Go

373
0

MANILA, Philippines – Itinulak ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagpapasa ng panukalang batas na magbibigay ng proteksyon at mga benepisyo para sa mga manggagawa sa media at entertainment.

“I always commit myself to advancing and supporting measures that will protect our workers’ rights and welfare,” sabi ni Go, miyembro ng Senate Committee on Labor.

Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng mga manggagawa sa media at entertainment sa pagsasabing “They provide news, entertainment, and other essential contents we need to keep us posted from all the current events happening around us.”

Kinilala ng senador ang mga sakripisyong ginagawa ng mga taga-media at entertainment na itinuturing ding frontliners, lalo noong panahon ng pandemya.

“Behind the reports and amusing contents, our media and entertainment workers trudge the day and night just to provide Filipino people with timely information and coverage,” ani Go.

“They were the heroes during the pandemic, risking their lives to deliver news during typhoons, earthquakes, floods, or any other disasters,” idinagdag ng senador.

Inihain ni Go ang kanyang bersyon ng panukala, ang Senate Bill 1183, na kilala rin bilang Media and Entertainment Workers’ Welfare Act.

Ang SB1183 ay layong bigyan ng proteksyon, seguridad at mga insentibo ang mga manggagawa sa media sa pamamagitan ng karagdagang health insurance package, overtime at night differential pay, at iba pang benepisyo.

Sa panukalang batas, iuutos ang isang kontrata na dapat lagdaan sa pagitan ng media entity at ng empleyado upang matiyak ang patas na kabayaran at proteksyon sa mga karapatan sa paggawa.

Ang pagkabigong gawin ito ay magreresulta sa mga multa para sa media o entertainment entity.

Itatakda rin ng panukalang batas ang mga alituntunin para sa mga oras ng pagtatrabaho. Ang mga normal na oras ng trabaho ay hindi dapat lalampas sa walong oras maliban kung kinakailangan.

Bukod dito, tinitiyak ng panukalang batas na ang mga manggagawa sa media at entertainment ay magkakaroon ng karapatan sa overtime pay para sa trabahong lampas sa 8 oras.

Dapat ding ibigay ang nightshift differential para sa trabaho sa pagitan ng 10 p.m. hanggang 6 a.m. ng sumunod na araw. Ang mga kinakailangang pisikal na mag-report sa trabaho sa mga mapanganib na lugar ay dapat bigyan ng hazard pay.

Ayon kay Sen. Go, patuloy niyang susuportahan ang industriya ng media at entertainment, lalo ang pagbhibigay ng proteksyon sa kanilang mga karapatan. RNT

Previous articleReblora, Garcia nangunguna sa Chawi-FESSAP Age-Group National Table Tennis tilt
Next article4 na pulis, sugatan sa pamamaril sa Maguindanao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here