Home NATIONWIDE Proteksyon, kapakanan ng OFW ilalatag ni Romualdez sa ASEAN forum sa Jakarta

Proteksyon, kapakanan ng OFW ilalatag ni Romualdez sa ASEAN forum sa Jakarta

199
0

MANILA, Philippines – Patuloy na itutulak ni House Speaker Romualdez ang kapakanan at pagbibigay ng proteksyon sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa ASEAN Parliamentary Forum.

Upang makatulong sa mga OFW ay pangunahing ilalatag ng mambabatas ang mga isyung nakakaapekto sa mga OFW sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) sa Indonesia ngayong Lunes, Agosto 7.

“Among the key issues we want to address here include the protection and welfare of our OFWs,” ayon kay Romualdez sa kanyang keynote speech sa pagtitipon ng Filipino community sa Jakarta.

Iginiit ni Speaker Romualdez na prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaligtasan, kagalingan, at proteksyon ng mga OFW na nagsasakripisyo at tumutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

“Nagpasya po akong dumalo sa AIPA ngayong taon dahil marami tayong kailangang i-discuss sa mga kapwa ko mambabatas mula sa mga bansa sa ASEAN at BIMP-EAGA.Kasama po rito ang mga batas na kailangang ipasa naming lahat para mapalakas ang ating mga ekonomiya. Gusto rin nating makatulong ang mga batas na ipapasa para maging masigla ang mga negosyo at makapagbigay tayo ng mas maraming trabaho sa ating bansa,” dagdag pa ni Romualdez.

Sa kaniyang talumpati ay kinilala ni Speaker Romualdez ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga Pilipino sa Indonesia na nagtatrabaho doon bilang mga guro, executive ng kompanya, consultant ng mga negosyo, enhinyero, accountant, abugado, at mamumuhunan.

Kasabay nito ay nangako rin ang mambabatas na susuportahan ang paglikha ng mga oportunidad sa Pilipinas para mas maraming mamumuhunan ang pumasok at kabilang sa mga hakbang aniya rito ay ang dagliang pagpasa ng Public Service Act upang mabawasan ang mga limitasyon sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa public services.

“Many of you are abroad working for multinational companies. Why don’t we open our economy to these multinational firms so you can have the choice of working for these companies in our country where you can still come home every day to your families.We are thinking every day of ways on how to serve you. All our energies are directed at how it (our work) will benefit the Filipino people because we are your representatives.”

Nangako rin si Romualdez na dadalhin sa 44th General Assembly ng AIPA ang mga hangarin ng mga Pilipino na nasa iba’t ibang bansa sa pagsasabing “I will bring with me all the cheers, kind intentions, and goodwill of the Filipinos who are present here today and from all over the world.”

Sa ngayon aniya ay nagpapatuloy ang Malaking Kapulungan ng Kongreso na magpasa ng mga batas upang matulungan ang mga OFW gaya ng Republic Act (RA) No. 11641 na siyang lumikha sa Department of Migrant Workers (DMW), at isang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga OFW.

Naisabatas na rin aniya ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 (RA 10364) at Anti-Mail Order Spouse Law (RA 10906) na naglalayong protektahan ang mga OFW laban sa trafficking at exploitation. Meliza Maluntag

Previous articleChina kinalampag na ng DFA, NSC sa panggigipit sa WPS
Next articleVietnam nangako ng suplay ng bigas sa Piipinas- Romualdez

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here