MANILA, Philippines – NAGLAGAY na ng pananggalang ang Department of Trade and Industry (DTI) at mga mambabatas para tiyakin na ang membership ng bansa sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay hindi makapipinsala sa local producers kapag nagsimula ng maging epektibo ang kasunduan sa Pilipinas.
Ito’y ayon sa isang stakeholder.
Ang RCEP, o free trade agreement kasama ang 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at China, Japan, South Korea, Australia at New Zealand, inalis ang hanggang 90% ng taripa o buwis na ipinataw sa imports sa mga member countries nito, sa loob ng 20 taon.
Sinabi ni Philippine Exporters Confederation President Sergio Ortiz-Luis na ang bansa ay “losing out” kung hindi sasali sa RCEP, sinabi na mayroon lamang itong dalawang trade agreements habang ang mga kasabayan nito gaya ng Thailand ay mayroong 13.
“There are protections that are given there. DTI will be watching that. There is also a monitoring team set up by Senate to monitor flooding. It should not be detrimental to producers,” ayon kay Luis.
Sinabi pa nito na ang mga maliliit na negosyo ay hindi magiging talunan dahil sa mababang taripa sa imports dahil maaaring mag-export ang mga ito at maging mas competitive.
Samantala, inaprubahan naman ng mga mambabatas ang “entry” ng Pilipinas sa RCEP, huling signatory sa trade pact. Kris Jose