Home NATIONWIDE Proteksyon ng mga guro sa pagdidisiplina sa klase, OKs na sa House...

Proteksyon ng mga guro sa pagdidisiplina sa klase, OKs na sa House committee

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng House Committee on Basic Education and Culture ang panukalang nagsusulong sa mekanismo at proteksyon sa mga guro sa mga isyu ng pagdidisiplina sa mga estudyante.

Sa pangunguna ng chairman ng komite na si Pasig City Rep. Roman Romulo ay naikasa ang panukalang amendments upang mabigyan naman ng proteksyon ang mga guro pagdating sa pagbibigay-disiplina sa mga estudyante at classroom management.

“May mga teachers rin na kawawa talaga. Wala rin talagang ginawa, tapos biglang kakasuhan. Talagang kawawa ung retirement pay,” ayon kay Romulo.

Ang draft substitute bill ay papasok sa Section 5 upang ang mga guro ay hindi maibilang na dapat maparusahan sa ilalim ng Republic Act (RA) 7610 o mas kilala bilang Child Abuse Law.

Sakop din ng panukala ang mga school personnel sa mga public basic education institutions, batay sa substituted House Bills (HBs) 364, 549 at 6940 na inakda nina Reps. Marissa ‘Del Mar’ Magsino (Party-list, OFW), France Castro (Party-list, ACT TEACHERS), at Edwin Olivarez (1st District, Parañaque City).

Binigyang diin ni Castro sa kaniyang pag-sponsor sa HB 549, na bagama’t dapat proteksyunan ang mga bata ay kailangan din naman aniyang mabigyan din ng proteksyon ang mga guro upang hindi maituring na pag-abuso sa bata gaya ng nakapaloob sa RA 7610 ang aksyon ng guro at school personnel kung ito naman ay naaayon sa “disciplinary rules and procedures” ng Department of Education.

Sa panukalang ito ni Castro ay isinulong niyang maging matatag ang suporta sa mekanismo para sa mga guro at school personnel sa usapin ng pagtuturo, pagmamando, pangangasiwa ng silid-aralan maging sa pagbibigay ng disiplana.

Sinabi ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Francis Bringas na ang Child Protection Policy ng DepEd na sumasakop sa responsibilidad ng mga mag-aaral at school personnel gaya ng pagkilala sa karapatan ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan ay ang positibo at hindi marahas na pagtuturo.

“Section 5 or the exemption would be considered if we really look for that balance between protecting the child and protecting the rights of the teacher,” ayon kay Asec. Bringas.

Nagkasundo rin ang komite na pag-isahin ang HB 7666 at ang inilatag na substitute Bill sa HBs 928, 1723, 5589 at 1585 upang mapalawak ang tulong na maaaring ibigay ng gobyerno sa mga mag-aaral, mga guro at paaralan maging ito man ay pribado o pampubliko.

Sa pamamagitan ng paglikha ng Partnership in Private Education Board, at kaukulang pondo upang maamiendahan ang kaukulan ng RA 6728 gaya ng isinusulong ng RA 8545 o kilalang Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (E-GASTPE) Act.

Kabilang sa nag-akda saa mga substitute bill sina Reps. Romulo, Ruth Mariano-Hernandez, Ron Salo, at Yedda Marie Romualdez samantalang inakda naman ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang HB 7666 na nagsusulong na palawakin ang voucher system sa elementarya at sekundarya na pag-amyenda naman sa RA 6728. Meliza Maluntag

Previous article7 sa 10 Pinoy naghahanap ng jowa kapag bumibyahe – Bumble
Next articleSanggol pinaliguan ng kumukulong tubig ng tiyuhin, patay

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here