Home METRO Protesta kontra EDCA site sa Cagayan umarangkada!

Protesta kontra EDCA site sa Cagayan umarangkada!

MANILA, Philippines- Nagprotesta ang mga miyembro ng Peace for Development (P4D) sa Kamara nitong Huwebes, Oktubre 5 upang makiisa sa Cagayanons at kanilang gobernador na si Manuel Mamba.

Kilala si Mamba na kontra sa pagtatayo ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) bases sa Cagayan, dahil naniniwala siyang mapaiigting lamang nito ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at ng China. Ipinanawagan din ng grupo sa Kamara na tugunan ang pamumulitika kay Governor Mamba dahil sa kanyang paninindigan sa EDCA sites at sa halip ay hinikayat nito ang Kongreso na tutukan ang mga polisiya na magpapalakas sa kabuhayan ng mga Pilipino. Danny Querubin

Previous articleMas mabigat na parusa vs road rage itinutulak  
Next articleMatapos mang-hostage ng 5-anyos, suspek sumuko!