Home NATIONWIDE Proyekto ng UN magtuturo sa mga bata sa pangangalaga sa kalikasan –...

Proyekto ng UN magtuturo sa mga bata sa pangangalaga sa kalikasan – VP Sara

255
0

MANILA, Philippines – Naglunsad ng programa ang United Nations (UN) na layong turuan ang mga batang Filipino sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at bubuo ng oportunidad sa pamahalaan na makipagtulungan sa Food and Agriculture Organization (FAO), sinabi ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte nitong Huwebes, Mayo 18.

Ang pahayag na ito ni Duterte ay kasabay ng courtesy call ni Dr. Lionel Dabbadie, country representative ng UN – FAO, kung saan pinag-usapan nila ang “Forests for a Sustainable Future: Educating Children” program ng organisasyon.

Anang Bise Presidente, magbibigay oportunidad ang naturang proyekto para sa
DepEd at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na makipagtulungan sa UN agency.

Advertisement

Ayon kay Dabbadie, layunin ng proyekto na turuan ang mga batang estudyante sa kahalagahan ng pangangasiwa at pangangalaga sa mga kalikasan, at ipaunawa na mayroong ugnayan ang malusog na kagubatan sa maayos na suplay ng pagkain.

Layon din nitong turuan ang mga nakababatang henerasyon ng mga kakayanan at kaalaman para tugunan ang kasalukuyang mga suliranin sa food production, distribution at nutrisyon sa pamamagitan ng interactive learning approaches at pagbuo ng strategic education modules.

Bilang pagpapatuloy, target din ng proyekto na pataasin ang awareness ng mga bata sa food security, responsableng food production, pagbawas sa mga nasasayang na pagkain at access sa mga masustansyang pagkain. RNT/JGC

Previous articleCanada humingi ng suporta sa Pilipinas sa ASEAN free trade talks
Next articleGMA nagsalita na, itinangging gustong maging House Speaker

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here