Home NATIONWIDE PSA gagamit ng AI sa fisheries, agri census

PSA gagamit ng AI sa fisheries, agri census

MANILA, Philippines – Susubukan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang satellite at agriculture intelligence sa pinakabagong census nito sa Agriculture at Fisheries (CAF).

Ang CAF ay isinasagawa tuwing 10 taon, “to update the situation on the ground” pagdating sa lawak ng sakahan, aquaculture, at fisheries, at mga taniman maging ang iba pang key metric sa naturang sektor, ayon kay National Statistician Usec. Dennis Mapa sa press briefing.

“Kailangan natin i-update ang ating resources for example gaano na ba kalaki ang ating farm area niotng 2022 relative to the previous decade,” ani Mapa.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagamit ang ahensya ng computer-aided interview, para sa mas mabilis na pagproseso ng resulta.

“Nagpipilot tayo sa census na ito ng use of artificial intelligence para magamit natin sa mga susunod, kasi ito na ang ginagamit ng ibang bansa, use of satellite data to measure areas…AI will be used to provide data for area estimation and count of selected crops and aquafarms for 2022 CAF,” sinabi ni Mapa.

Batay sa datos, halimbawa, kapansin-pansin umano ang pagbaba sa farm area sa mga nakalipas na dekada.

“Nakita natin sa datos bumababa ang ating farm area in terms of hectares, for example, yung 1980 9.7 million hectares, nung 1991 close to 10M hectares, 2002 9.67 million hectares, 2012 bumaba 7.27 million hectares,” pagbabahagi niya.

Sa census ay kokolekta ng datos sa fishing at farming activities mula Enero hanggang Disyembre 2022, na isasagawa sa farming at fishing communities sa buong bansa mula Setyembre 4 hanggang Oktubre 25.

Hinimok ng PSA ang mga sangkot sa fisheries at farming sectors sa bansa na tanggapin ang mga opisyal at survey dahil magiging mahalaga umano ang output nito para sa policy-making, benchmark-setting at economic development. RNT/JGC

Previous articleBagong departure rules sa NAIA, pinasususpinde ni Poe
Next articleGAB Chairman Richard Clarin suportado ‘ML: Bang Bang Championship’ 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here