MANILA, Philippines – Ibinigay na ng Philippines Olympic Committee (POC) ang insentibo para sa mga atletang Pinoy na humakot ng medalya sa 32nd Southeast Asian Games noong Mayo sa Cambodia.
Kasabay na pamimigay ng insentibo ang taunang Olympic Day na pangungunahan ng POC.
Ipinagdiriwang ang event bilang paggunita sa pagkakatatag ng International Olympic Committee ni Baron Pierre de Coubertin noong Hunyo 23, 1894.
Magsisimula ang pagdiriwang ng Olympic Day ganap na alas-7 ng umaga sa University of the Philippines Track and Field Oval sa Diliman, Quezon City.
Pagkatapos ng seremonya, ibibigay ang mga tseke sa 260 SEAG medalists — mula sa mga indibidwal, doubles, at team sports.
Binubuo ng mahigit 840 atleta, nasungkit ng Pilipinas ang 54 na gintong medalya, ang pinakamalaking paghakot sa kasaysayan ng bansa sa biennial meet, kasama ang 85 silver at 117 bronze plums upang tumapos sa ikalima sa Cambodia Games.JC