Home METRO Public schools sa Navotas binahagian ng Smart TVs

Public schools sa Navotas binahagian ng Smart TVs

MANILA, Philippines – UPANG tumaas at gumanda ang quality education at halos pumantay sa mga private schools namahagi ang lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas ng karagdagang 86 smart TVs sa mga pampublikong paaralan sa public elementary school at high schools.

Kasama sa 13 public schools na nakatanggap ng 55-inch smart TVs para sa pagbubukas ng klase ang Bagumbayan Elementary School, Dagat-dagatan Elementary School, Kapitbahayan Elementary School, North Bay Boulevard North Elementary School, San Roque Elementary School at Tanza Elementary School.

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang Ceremonial Turnover ng 86 smart TVs na ipamamahagi ng pamahalaang lungsod sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa Navotas. Nasa 6 na elementary schools at 7 high schools ang makakatanggap ng smart TVs. (Jojo Rabulan)

Samantala, sa secondary school nakatanggap ang Navotas National High School, San Rafael Technical and Vocational High School, Kaunlaran High School, Tangos National High School, Navotas National Science High School, Bangkulasi Senior High School at Filemon T. Lizan Senior High School.

“We hope to provide Navoteño public school students with quality education that are on a par with private schools. We also aim to make learning more interesting and enjoyable for them,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

Noong isang taon namahagi rin ang pamahalaan ng Navotas ng 169 smart TVs at 320 50-inch smart TV sa mga public schools taong 2018 at 2019. (R.A Marquez)

Previous articleChina kinondena ng Senado sa paglusob sa WPS
Next articleTop 1 most wanted person sa kasong rape sa Malabon, isinelda