Home HOME BANNER STORY Publiko binalaan ng UP School of Statistics vs ‘Kalye surveys’

Publiko binalaan ng UP School of Statistics vs ‘Kalye surveys’

MANILA, Philippines – Hinimok ng University of the Philippines School of Statistics (UP STAT) faculty ang publiko na maging mapagbantay sa “kalye surveys” sa social media at mga katulad na pag-aaral na may “unclear methodologies” dahil maaaring may bahid ito ng bias.

Ang UP STAT faculty ay naglabas ng babala sa isang opisyal na pahayag na sinita ang pag-abuso at pagpapalaganap ng mga naturang survey.

“We, the faculty members of the University of the Philippines School of Statistics, speak and lend our collective voice to call out the pervasive abuse of survey methodologies by some entities doing their own brand of research, and promoting them in social media,” saad sa pahayag.

“We have been observing these practices, including surveys not based on random sampling, such as videos of ‘kalye surveys’ being done by some vloggers and suspicious online surveys, especially on Twitter and Facebook,” dagdag pa nito.

“We are dismayed by their cavalier disregard for the principles of data gathering,” iginiit pa ng faculty.

Ang UP School of Statistics ay kinikilala ng Commission on Higher Education bilang Center of Excellence in Statistics. Noong 2014, ang BS Statistics program nito ay nakatanggap ng internasyonal na akreditasyon mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Universities Network.

Binanggit din ng UP STAT na ang mga public relations company, pribadong indibidwal, at maging ang ilang organisasyon ng media ay naglathala ng mga resulta na may hindi malinaw na pamamaraan.

“Surveys reveal facts, beliefs, sentiments, and opinions based on a representation of the population. However, the quality of any inference cannot rise above the quality of the methodology it is based upon,” ayon pa sa UP STAT faculty.

Idinagdag nito na ang diskarte sa pagpili ng sample at mga proseso ng pangongolekta ng data sa mga botohan ay maaaring makabuo ng bias, tulad ng kapag sinadyang maapektuhan ng isang tagapanayam ang mga sagot ng mga respondent.

“Ang mga biased methodologies ay magbibigay lamang ng mga bias na resulta. Kaya, nananawagan kami sa publiko na maging kritikal sa mga survey sa bagay na ito,” sabi ng pahayag. RNT

Previous article131 cybercriminals naaresto ng PNP-ACG
Next articleKano kulong sa bomb joke sa Laguindingan Airport