Balagtas, Bulacan – Pinaalalahanan ng pulisya ang publiko na maging maingat at mapanuri sa kanilang pagkuha ng kasambahay at security guard.
Ito ang mensahe ng Iwas Krimen Tips ng Balagtas Municipal Police Station sa kanilang Facebook post nitong Lunes, Mayo 22.
Ayon sa tips, maging mapanuri sa pagkuha ng kasambahay at security guard na kung maaari ay magtungo o kumuha sa lisensyadong ahensiya.
Bukod d’yan, maglagay na rin ng mga CCTV para sa kanilang karagdagang seguridad at huwag ibigay ang kanilang buong tiwala.
Lagi umanong isipan tuwina na ang opurtunidad at pagkakataon ay magbibigay motibo sa krimen, anang post.
Nalamang may mga nag-viral sa Facebook na ilang kasambahay o ilang mga yaya at sikyu na pinagkatiwalaan ng kanilang amo na naging balahura, walang hiya at nagnakaw pa kasabay ang pagtakas na natuklasan sa CCTV footage.
Dahil dito, malaking tulong ngayon ang isinasagawang pagpapakalat ng hotline number/account na maaring makontak ng publiko sakaling mangailangan ng agarang tulong o saklolo.
Payo naman ng ibang istasyon ng pulisya na agad i-report pa rin sa kanilang tanggapan ang ganitong insidente upang mabigyan ng agarang aksyon. Dick Mirasol III