Home NATIONWIDE Publiko pinag-iingat sa debris ng China space rocket na inaasahang babagsak malapit...

Publiko pinag-iingat sa debris ng China space rocket na inaasahang babagsak malapit sa Ilocos Norte, Cagayan

MANILA, Philippines- Nakatakdang maglunsad ang People’s Republic of China ng rocket at ang ilang bahagi nito ay inaasahang babagsak sa loob ng tinatawag na identified drop zone, ilang nautical miles ang layo mula Ilocos Norte at Cagayan.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maglulunsad ang China ng Long March 7A (CZ-7A) mula Wenchang Spacecraft Launch Site sa Wenchang, Hainan anumang araw ngayon.

Winika ng NDRRMC na ang identified drop zone ay 47 nautical miles ang layo mula Burgos sa Ilocos Norte at 37 nautical miles naman mula Sta. Ana sa Cagayan.

“The risk of untoward incidents and damage from falling rocket debris within Philippine territory is relatively low,” ayon sa NDRRM sa kanilang advisory.

Gayunman, sinabi ng NDRRMC na ang inirekomendang aksyon ng Philippine Space Agency (PhilSA) na may kinalaman sa air at marine access ay pag-iingat mula sa Nobyembre 3 hanggang 4.

Ang rekomendasyon naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines ay ang panatilihin ang pagpapatupad ng no-fly zones sa mga apekradong lugar sa mga nasabing petsa.

Pinayuhan naman ang Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic  Resources at ang National Mapping and Resource Information Authority na ikonsidera ang pansamantalang paghihigpit sa identified drop zones.

Para matiyak naman ang kaligtasan ng publiko sa katubigan malapit sa drop zones, pinayuhan ang mga ito na magpalabas ng notice sa mariners, coastal navigational warnings o NAVAREA XI warnings, isang notice sa ocean -going mariners.

“PhilSA cautions everyone against retrieving or coming in close  proximity to these materials  to minimize risk from remnants of toxic substances suck as rockt fuel,” ayon sa NDRRMC.

Pinayuhan naman ng NDRRMC ang mga tao sa mga nasabing lugar na magsuot ng personal protective equipment upang maiwasang matamaan ng debris.

Pinayuhan din nito ang publiko na kaagad na ipagbigay-alam sa mga lokal na awtoridad ang anumang kahina-hinalang makikitang debris sa karagatan o sa kalupaan. Kris Jose

Previous articleKano arestado sa tangkang panghihipo
Next articleMga senador hati sa pagkakatalaga sa bagong DA chief