Home METRO Puganteng Chinese naharang sa NAIA

Puganteng Chinese naharang sa NAIA

MANILA, Philippines- Inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang lalaking Chinese national na wanted ng awtoridad sa Beijing dahil sa pagtatago sa batas.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang suspek na si Zhnag Xianfa, 36, na inaresto sa immigration departure area ng NAIA terminal 3.

Si Zhang ay tinangkang sumakay sa Cebu Pacific flight biyaheng Guangzhou, China nang mapansin sa database ng BI na may mga derogatory records ito.

Nabatid na hinihintay ni Zhang ang kanyang flight sa China, gayunman, base sa record ay may kautusan na para sa kanyang deportasyon ng BI board of commissioners noong Mayo 2023 dahil sa pagiging undesirable alien.

Napag-alaman sa BI na kabilang sa 16 na Chinese national na hiniling ng awtoridad sa China ang kanyang deportasyon dahil sa kanyang mga kaso. Ang 15 iba pa ay napa-deport na ng BI. JAY Reyes

Previous article‘Solicited bidding’ sinisilip ng DOTr para sa pagsasapribado ng EDSA busway
Next articleNag-iisang Pinoy sa Gaza ligtas – embahada