Home METRO Puganteng SoKor national timbog sa P’que

Puganteng SoKor national timbog sa P’que

MANILA, Philippines- Ipatatapon ng Bureau of Immigration (BI) pabalik ng kanilang bansa ang isang South Korean national na wanted ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa sex crimes.

Sa report kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ng BI fugitive search unit ang puganteng si Go Taiyoung, 44, na inaresto sa Diosdado Macapagal Blvd. sa Paranaque City.

Ang mga operatiba ng BI-FSU na umaresto sa nasabing dayuhan ay armado ng warrant of deportation mula kay Tansingco na naglabas ng parehong alinsunod sa nasabing deportation order.

Ayon kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, ang pangalan ni Go ay kasama sa Interpol red notice na inisyu noong 2020 dahil sa kasong indecent act by compulsion na isinampa laban sa kanya ng gobyerno ng Korea.

Ang warrant of arrest ay inisyu ng Seubo district prosecutor’s office sa Seoul kung saan nagsampa ng reklamo ang babae sa kanya.

Ayon sa nagreklamong babae, pinilit umano siya gumawa ng indecent act sa loob ng isang internet café sa Seoul kung saan siya nagtratrabaho noong Enero 25, 2019.

Dagdag pa ng biktima na nagpakita ang suspek ng malaswang larawan sa kanyang cellphone at nagpakita ng kanyang ari at ipinapahawak sa kanya.

Si Go ay kasalukuyang nakadetine sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. JAY Reyes

Previous articleASEAN-Japan ties ibinida ni Marcos
Next articleLotto Draw Result as of | December 19, 2023