Home METRO Puganteng South Korean arestado sa Camp Crame

Puganteng South Korean arestado sa Camp Crame

MANILA, Philippines- Iniulat ng Bureau of Immigration nitong Martes na nadakip nito ang South Korean national na wanted sa kanyang bansa dahil sa fraud.

Kinilala ang suspek na si Son Sobeom, 33. Naaresto siya sa Camp Crame, Quezon City nitong Linggo.

Ayon sa BI, si Son ay subject ng warrant of deportation na inisyu noong 2017, matapos matukoy bilang undesirable at undocumented alien.

Kinansela rin umano ng South Korean government ang kanyang pasaporte. Naglabas ang Suwon District Court ng warrant of arrest laban kay Son para sa 2016 for fraud.

Miyembro umano si Son ng isang telecom fraud syndicate, na nagpapanggap na bank employee. Karaniwan silang nag-aalok ng low interest loans sa pamamagitan ng telephone o text messages sa mga biktima.

Aabot umano sa halagang 188 million won, o halos P8 milyon ang nakuha ng mga ito sa mga biktima nila.

Mananatili si Son sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group Anti-Transnational Crime Unit (PNP-CIDG-ATCU) facility habang hinihintay ang deportasyon. RNT/SA

Previous articlePASUKAN NA NAMAN
Next articleMAGHANDA LABAN SA MGA BAGYO