Home METRO Puganteng South Korean national timbog sa BI

Puganteng South Korean national timbog sa BI

MANILA, Philippines- Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang dating opisyal ng South Korea dahil sa umano’y pagnanakaw nito ng mahigit P2 milyon sa isinagawang operasyon sa Mandaluyong City.

Ayon sa BI, ang puganteng si Choe Youngsam ay pinangalanang priority target ng isang Interpol red notice dahil sa fraudulent activity nito.

Batay sa rekord ng BI, nakapasok si Youngsam sa bansa noong nakaraang taon dahil sa mga panahong iyon ay walang derogatory record laban sa kanya. Sa Pilipinas, palagi umanong nagpapalipat-lipat ng lokasyon ang nasabing dayuhan upang hindi agad ito mahanap.

Ayon kay Fugitive Search Unit Chief ng BI na si Rendel Sy, lumapit umano sa kanila ang gobyerno ng Korea upang ipahanap si Youngsom na isa umanong dating public servant na kung ikukumpara sa ating bansa ay ang PhilHealth.

Aniya, dinispalko umano ng nasabing dayuhan ang nasa 4.8 billion Korean won kung saan itinakas niya umano ito at nagtago sa Pilipinas.

Kasalukuyang nasa kusyodiya ng Criminal Investigation and Detection Group ang nasabing dayuhan habang hinihintay ang deportasyon nito. JAY Reyes

Previous articleInternet voting para sa overseas Filipino voters sa 2025 midterm election paiiralin ng Comelec
Next article‘Franchise consolidation scam’ pinatatalupan sa Kamara