Home METRO Pugot na ulo natagpuan sa ilalim ng tulay sa Cavite

Pugot na ulo natagpuan sa ilalim ng tulay sa Cavite

MANILA, Philippines – Isasailalim sa DNA test ang ulo ng isang tao na natagpuang naaagnas sa ilalim ng isang tulay na maaaring tutugma sa natagpuang hubo’t hubad na katawan na walang ulo na nakuha sa Carmona, Cavite kamakailan.

Ayon kay Police lt. Colonel Jefferson Ison, hepe ng Carmona Component City Police Station, kinunan na ng DNA sample ang naaagnas nang bungo upang ikumpara kung tutugma sa natagpuang pugot na ulo ng isang lalaki sa Brgy. Lantic, Carmona City, Cavite nitong Sabado ng hapon, noong Pebrero 17.

Base sa report, dakong alas-6:30 ng hapon nang natagpuan ang nasabing ulo sa ilalim ng tulay sa Congressional Road, Brgy. Cabilang Baybay, sa naturang lugar.

Ang natagpuang ulo ay unang dinala sa Cardona Funeral Homes para sa isinagawang autopsy at DNA saka tuluyan nang inilibing.

Umaasa si Ison na magkatugma ang DNA sa natagpuang katawan at ang pugot na ulo upang magtuloy-tuloy at matuldukan na ang kaso.

Tikom pa rin ang bibig ni Ison sa nakuhang footage ng video sa sasakyan na ginamit habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya gayudin sa nationality ng bagkay.

Bagama’t pinaniniwalaan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na ito ay isang Chinese national, base sa dragon tattoo sa kanang dibdib ng biktima.

Ang pugot na katawan at natagpuang ulo ay magkahiwalay na inilibing. Margie Bautista

Previous articleMister sinaksak ng napikon na misis
Next articleExpansion plans ng Coca-Cola sa Pilipinas, pinuri ni PBBM