Home METRO PUJs na nakilahok sa surprise strike sa Pampanga inisyuhan ng show-cause order

PUJs na nakilahok sa surprise strike sa Pampanga inisyuhan ng show-cause order

MANILA, Philippiens- Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maglalabas ito ng show-cause order sa hindi bababa sa 20 public utility jeepney (PUJ) operators na nakilahok sa surprise transport strike sa Angeles City, Pampanga nitong Martes.

Sinabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz na pinaralisa ng mga nagprotesta ang Angeles-Mabalacat route, at nakatanggap din umano sila ng mga ulat na mayroong mga dirver na nang-harass sa mga hindi nakilahok sa kilos-protesta.

“A franchise is a property of the state, that if you commit a violation, we will get your franchise, we will suspend you, we will revoke your franchise,” pahayag ni Guadiz sa isang press briefing.

Sinisilip ng transport groups na magsagawa ng panibagong nationwide strike upang tutulan ang PUJ franchise consolidation, ayon kay Manibela chairperson Mar Valbuena nitong Martes.

Sinabi ni LTFRB executive director Bob Peig na bibigyan ang traditional jeepney operators na magsusumite ng kanilang intent to consolidate sa Dec. 31 ng panibagong provisional authority to operate na valid ng isang taon.

Kapag natapos na ang kanilang consolidation process, mag-iisyu ang LTFRB ng consolidated franchise sa kooperatiba o korporasyon na valid ng limang taon.

Kapag modernisado na lahat ng fleets ng isang korporasyon o kooperatiba, bibigyan ito ng LTFRB ng prangkisa na tatagal ng pitong taon.

Hanggang nitong Oktubre, sinabi ng LTFRB na halos 57% ng mga jeepney at UV Express operator ang nakibahagi sa konsolidasyon. RNT/SA

Previous article4 dinukot na Chinese nationals natagpuang patay!
Next articleTricycle driver na nang-scam sa dayuhang turista timbog!