Home METRO Pulis na bumaril sa hostage taker ni De Lima, bagong SPD chief

Pulis na bumaril sa hostage taker ni De Lima, bagong SPD chief

MANILA, Philippines – Naluklok na bilang bagong hepe ng Southern Police District (SPD) si Police Brigadier General Mark Pespes nitong Biyernes, Oktubre 20.

Si Pespes ang pumalit kay Police Brigadier General Roderick Mariano.

“Sa ating mga kasama, men and women of SPD, we will be working together. Our goal is to keep a peaceful environment, a safe place to live and do business,” sinabi ni Pespes sa speech kasabay ng turnover ceremony sa SPD Grandstand sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Pinangunahan ang seremonya ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr.

Si Pespes ang pulis na bumaril at nakapatay sa detainee na nang-hostage kay dating Senador Leila de Lima sa loob ng PNP Custodial Center noong Oktubre 2022.

Ginawaran ng Philippine National Police si dating Headquarters Support Service Director Pespes ng Medalya ng Kadakilaan sa kanyang kabayanihan sa pagpigil sa hostage-taker. RNT/JGC

Previous articleAmihan season nagsimula na!
Next article6.7% pagtaas sa traffic volume sa EDSA naitala ng MMDA bago mag-Undas, Pasko