MANILA, Philippines – Isinailalim sa contempt ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang pulis na sangkot sa 990-kilogram shabu haul sa Maynila, matapos itong bigong makapagbigay ng phone number ng kanyang informant.
Kasabay ng pagdinig ng komite, tinanong ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa si PNP Drug Enforcement Group (PDEG) Special Operations Unit 4A arresting team head Captain Jonathan Sosongco na ibigay ang numero ng kanyang informant, makaraang itanggi ng ilang pulis na sangkot sa operasyon na tumanggap sila ng tip sa 990 kilo ng shabu.
Ani Sosongco, wala na ang teleponong ginamit niya upang makipag-usap sa informant.
“Your honor, wala na po ‘yung cellphone ko na gamit po…’Yung cellphone na ginagamit sa trabaho hindi naman ito ang ginagamit. Wala na, your honor,” sinabi niya.
Sa puntong ito, hiniling ni Dela Rosa kay Senador Robin Padilla na gumawa ng mosyon upang i-cite for contempt si Sosongco.
“Sobra na itong panloloko na ginagawa sa atin dito. Nauubos na ‘yung oras natin dito,” anang Senador.
Advertisement