Home NATIONWIDE Pulis na sangkot sa Catherine Camilon bantay-sarado para ‘di makalabas ng Pinas

Pulis na sangkot sa Catherine Camilon bantay-sarado para ‘di makalabas ng Pinas

MANILA, Philippines- Hindi makaaalis ng bansa si PMaj. Allan De Castro, pangunahing suspek sa pagkawala ng beauty pageant contestant na si Catherine Camilon, ayon sa police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Martes.

Sinibak sa serbisyo si De Castro at pinalaya mula sa restrictive custody sa Camp Vicente Lim noong January 16, 2024.  

“We already have a coordination with the Bureau of Immigration na because we are anticipating that maybe aalis siya ng bansa, we made already coordination for hold departure order para hindi makalabas ng bansa itong main suspect natin,” pahayag ni CIDG Director PMaj. Gen. Romeo Caramat Jr. 

“I think once na lumabas ng bansa o tumakas…that’s already guilt on his part, so I don’t think na gagawin niya, but who knows,” dagdag niya.

Inihayag ni Caramat na ginagawa ng CIDG ang makakaya nito na ma-convict sina De Castro, kanyang driver na si Jeffrey Magpantay, at dalawang John Does sa kasong kinahaharap nila. Anang CIDG chief, umaasa siyang aaminin din ni Magpantay ang kanyang “participation on the disappearance of Miss Camilon.” 

“We are still hoping that we could win case, we could secure a conviction against the suspects because sa administrative case ng suspect natin meron na tayong substantial evidence for his participation and it will depend upon the appreciation of the court holding this case,” wika ni Caramat. 

“Sabi ko nga if we could convince other witnesses to come out or itong si Magpantay will turn state witness that will make our case stronger,” patuloy niya.

“Lahat tayo may konsiyensya, hopefully Magpantay will turn state witness dahil nga nag-waive na nga siya ng, nag-sign na siya ng waiver para sa kanyang pagkakakulong, I believe na sooner ay sasabihin niya kung ano man ang participation nila, kung ano yung katotohanan,” giit pa nh opisyal.

Nawawala si Camilon mula pa October 12, 2023. 

“On the part of the CIDG, hanggat hindi natin nakikita yung katawan ng biktima ay we could not conclude. We based our investigation not on presumptions,” ani Caramat.

“Baka mamaya nagtatago lang itong biktima natin dahil natatakot so patuloy pa rin namin hinahanap itong mga kaibigan nitong si Ms. Camilion baka may makapagsabi. We are still hoping. Hindi kami tumitigil,” dagdag niya.

Umapela rin siya sa dalawa pang suspek na sumuko na sila.

“Doon sa dalawang kasama, itong 2 suspek natin, bago po mahuli ang lahat, ako ay nakikiusap, you could be a state witness para gumaan, kung ano man yung kasalanan niyo. So I advised them na pumunta sa CIDG office at makipagtulungan sa imbestigasyon na ginagawa regarding dito sa Camilon case,” apela ng opisyal. RNT/SA

Previous articlePBBM: Pagbati kay Taiwan Pres. Lai ‘common courtesy’ lang; One-China policy patuloy na kinikilala ng PH gov’t
Next articleDaniel, di invited sa Bea-Dom wedding!