Home METRO Pulis nanutok ng baril sa mag-anak, inireklamo!

Pulis nanutok ng baril sa mag-anak, inireklamo!

447
0

TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN- Nasa hotwater ngayon ang isang pulis ng Tuguegarao City Police Station na inireklamong nagpaputok at nanutok ng baril sa tatlong magkakamag-anak sa bahagi ng Montilla Street Carig Sur Tuguegarao City.

Ayon kay PLtCol. Emil Pajarillo, tagapagsalita ng Police Regional Office 02 o PR02, dinis-armahan na ang suspek na si PSSgt. Winston Pagulayan, 35-anyos, aktibong miyembro ng Tuguegarao City Police Station at residente ng Zone 6, Abolo, Amulung Cagayan.

Inireklamo si PSSgt. Pagulayan matapos umano nitong tutukan ng baril ang tricycle driver na si Ramil Irringan, 52-anyos, biyudo at residente sa nasabing lugar.

Nadaanan lang daw nina Ramil Irringan ang nasabing pulis pasado alas-9 ng gabi habang sakay niya ang dalawang sina Marie Vic Irringan, 55-anyos, walang asawa at dating OFW at si Oliver Irringan, 20-anyos na residente sa naturang lugar.

Pagtapat daw umano nila sa Bautista Apartment sinigawan daw sila ng inirereklamong pulis sa hindi malinaw na dahilan na kanila namang dinedma at diretso sa kanilang tinitirhan.

Labis na ikinagulat ng tatlong mag-anak bigla silang tinututukan ng baril at saka nagpaputok.

Maswerteng walang tinamaan sa tatlong mag-anak.

Nakatakdang isailalim sa ballistic examination ang armas ng nasabing pulis.

Kung walang aregluhan, maliban sa kasong administratibo maaari ding mademanda ng grave threat at Alarm and Scandal ang nasabing pulis. Rey Velasco

Previous articleBong Go: DSWD tiniyak, patuloy ang suporta sa Malasakit Centers
Next articlePagsasanay ng TESDA sa drug dependents, aprub na

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here