Home METRO Pulis-Navotas na sangkot sa pagkamatay ni Jemboy walang maipakitang body cam footage...

Pulis-Navotas na sangkot sa pagkamatay ni Jemboy walang maipakitang body cam footage – NCRPO

MANILA, Philippines- Hindi nakapagpresenta ng footage mula sa kanilang body cameras sa insidente ang mga pulis na sangkot sa pamamaril kay Jemboy Baltazar, ayon kay PBGen Jose Melencio Nartatez, National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, at inihayag na kakasuhan ang mga pulis.

“With the investigation, as of now, wala silang mapakita na footages ng body cameras or alternative recording device,” pahayag ni Nartatez nitong Lunes.

Idinagdag ni Nartatez na ang hawak nilang videos ay CCTV footage o kuha ng mga residente.

“Our action taken is the continuing investigation to seek answers on why walang body camera, walang paraffin test when they [policemen] were arrested or inquested at walang nag respond na investigator,” sabi niya.

Binaril si Baltazar noong Aug. 2 ng mga pulis ng Navotas na umano’y napagkamalan ang una na murder suspect.

Sinabi ni Nartatez na anim na pulis ang kasalukuyang nakaditene habang gumugulong ang imbestigasyon. Subalit, lahat ng sangkot sa shooting incident ay mahaharap sa kaso.

Inihayag naman ni Interior Secretary Benhur Abalos na ikinakasa na ng Department of Justice ang criminal case na ihahain laban sa mga pulis.

“Ang Department of Justice or ang prosecutor ang mag de-dertmine nito bandang huli if it is really murder or not murder,” ani Abalos.

Nauna nang sinabi ng Northern Police District na sinibak sa pwesto lahat ng Navotas sub-station personnel dahil sa shooting incident. RNT/SA

Previous articleMikoy, kinabog sina Carlo, JK at Khalil sa 19th Cinemalaya!
Next article5,000 parak ipakakalat sa NCR sa school reopening sa Aug. 29