Home METRO Pulis patay, 2 sugatan sa engkwentro

Pulis patay, 2 sugatan sa engkwentro

241
0

NEGROS OCCIDENTAL – PATAY ang isang pulis habang sugatan ang dalawa nitong kasamahan matapos makasagupa ang hinihinalang kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) nitong Miyerkules, Agosto 9 sa bayan ng Calatrava.

Kinilala ang nasawi na si Police Corporal Jaime Nuñez, 34-anyos, residente ng Purok Mahidaiton Brgy. Paraiso, Cadiz City habang sugatan sina Police Captain Jesus Alba, deputy Chief of Police at Police Corporal Dennis Nacis, lahat ay kasapi ng Calatrava PNP.

Batay sa report ng Calatrava-PNP, bandang 9:30 ng umaga nang maganap ang engkwentro sa Brgy. Minapasuk, Calatrava, Negros Occidental.

Ayon kay Lieutenant Colonel Joem Malong, Deputy Provincial Director for Operations ng Negros Occidental Police Provincial Office (NOPPO), may joint operation ang Calatrava police at Philippine Army laban sa isang rebelde at isisilbi sana ang warrant of arrest.

Subalit, pagdating sa nasabing lugar bigla na lamang silang sinalubong ng mga putok ng baril ng hinihinalang rebelde na nauwi sa barilan na tumagal ng ilang minuto.

Tinamaan ang tatlong pulis na agad na ikinasawi ni Nuñez habang mabilis naman tumakas ang mga suspek patungo sa bulubunduking bahagi ng naturang lugar.

Nabatid, na nakatakda na sanang ikasal ang biktima sa darating na Disyembre sa kanyang kasintahan na si Mary Jane Espinosa. Mary Anne Sapico

Previous articlePaglago ng PH economy, bumagal
Next articleVillanueva magbibitiw kung mapatunayang ‘di pinalala ng reclamation ang pagbaha sa Bulacan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here