Home METRO Pulis pisak sa 10-wheeler truck

Pulis pisak sa 10-wheeler truck

CAGAYAN DE ORO CITY- Pisak ang isang pulis matapos magulungan ng 10-wheeler truck makaraang tumilapon ito sa kalsada nang sumalpok sa nakaparadang pick-up truck ang minamaneho nitong motorsiklo noong Biyernes sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Patrolman Josel Yongco, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion 10.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang driver ng truck na kinilalang si Randy Abo Abo.

Batay sa report ng Traffic Unit ng COCPO, bandang alas-8 ng umaga nang maganap ang insidente sa diversion road sa Villa Vicente Zone 1 Barangay Kauswagan, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng biktima ang nasabing kalsada nang bigla na lamang bumangga ang minamaneho niyang Aerox motorcycle na may plakang KVF-233 sa nakaparadang pick-up dahilan para tumilapon ito sa gitna ng kalsada.

Sakto namang dumaan ang truck na minamaneho ni Abo-abo dahilan para magulungan nito ang biktima na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng truck. Mary Anne Sapico

Previous articleDPWH nag-abiso ng road reblocking sa ilang kalsada sa NCR sa Sept. 15-18
Next article6 illegal aliens, arestado ng BI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here