Home METRO Pump boat tumaob, 6 pasahero ligtas

Pump boat tumaob, 6 pasahero ligtas

Larawan mula sa Sibonga MDRRMO

CEBU CITY, Philippines– Ligtas lahat ng pasahero ng pump boat na tumaob sa katubigan ng bayan ng Sibonga sa southern Cebu noong nakaraang gabi.

Sinagip ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Sibonga, kapulisan at Philippine Coast Guard Sibonga sub-station at mga mangingisda ang anim na indibidwal na naiulat na nawawala noong nakaraang gabi.

Base sa mga awtoridad, nagmula ang grupo sa Sibonga matapos makilibing sa isang kaanak subalit nang pabalik na sila sa Mantatao sa bayan ng Calape, Bohol, malalaki umano ang alon dahilan upang tumaob ang pump boat na sinasakyan nila.

Kinilala ang anim na nasagip na indibidwal na sina Federico Flores, 72; Desiderio Flores, 42; Devonne Flores, 15; Dereck Flores, Sarah Sacedon, 48, Atis Flores, 78 kapwa residente ng Mantatao, Calape, Bohol. RNT/SA