Home ENTERTAINMENT Pura laya na; “The Prayer” agad pinerform!

Pura laya na; “The Prayer” agad pinerform!

Manila, Philippines- Nitong October 7 ay nakapagpiyansa si Pura Luka Vega mula sa piitan.

Si Pura Luka ay ang produkto ng Drag Den Philippines.

Abut-abot ang reklamo laban sa kanya para sa pagtatanghal na umano’y pambabastos sa awiting Ama Namin.

Siya’y dinakip sa Maynila.

Ngunit ilang araw matapos ang kanyang release on bail ay nagtanghal pa si Luka–Amadeus Fernando Pagente sa tunay na buhay–sa isang events place.

Nakasuot ng puting gown at gold headdress, ni-lip synch ni Luka ang awiting The Prayer na pinasikat nina Celine Dion at Andrea Bocelli.

Kasama niyang nagtanghal ang kanyang inang si Esther.
Ayon sa post ni Mx Noelle sa X (dating Twitter), magkahawak-kamay pa ang mag-ina.

Dagdag pa ni Mx: “#DragIsArt, #DragIsNotACrime at #AcquitPuraLukaVega.”

Sa kainitan ng isyu, ipinost ni Ice Seguerra na hindi dapat papanagutin si Luka sa kasong kinakaharap nito: “It goes to show how archaic our laws are.”

Dineklara ring persona non grata si Pura sa 11 LGUs sa bansa. Ronnie Carrasco III

Previous articleLibreng college entrance fees ng pobreng istudyante, suportado sa Senado
Next article‘Wala kaming confidential funds’ – Senado