Home METRO Pura Luka Vega ‘di sumipot sa preliminary investigation sa Maynila

Pura Luka Vega ‘di sumipot sa preliminary investigation sa Maynila

339
0

MANILA, Philippines – “No show” sa pangalawang pagkakataon ang drag performer na si Pura Luka Vega sa itinakdang preliminary investigation sa kaso sa Manila Prosecutors Office.

Kaugnay ito sa kasong Immoral Doctrines, Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows at Cyber Crime Prevention Act na isinampa laban sa kontrobersyal na drag performer ng mga opisyal ng Hijos del Nazareno mula sa simbahan ng Quiapo.

Nadismaya naman ang presidente ng Hijos del Nazareno na si Val Samia, sa hindi pagharap ng drag performer.

Sa kabila nito, sinabi ng Hijos na bukas pa rin sila na iatras ang kaso basta humingi lang ito ng tawad sa mismong Simbahan ng Quiapo at tanggapin ang kanyang pagkakamali at marunong magpakumbaba.

Dahil sa hindi muling pagdalo ni Pura Luka Vega sa preliminary investigation, maaari na umanong magpalabas ng resolusyon ang piskalya.

Sa naunang post sa social media ni Pura Luka, sinabi niya na wala siyang intensyon na isnabin ang mga pagdinig sa kinakaharap na reklamo.

“I have no intention of ‘snubbing’ these complaints,” aniya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBabaeng mangungutang ng P3K dinukot ng loan officer
Next articleOnline apps tututukan ng DICT sa pagsiguro ng consumer protection

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here