Home METRO Pura Luka Vega idineklarang persona non grata sa Cebu City

Pura Luka Vega idineklarang persona non grata sa Cebu City

CEBU CITY – IDINEKLARANG persona non grata sa lungsod na ito ang drag artist na si Pura Luka Vega sa tunay na pangalan ay Amadeus Fernando Pagente.

Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon na ipinasa ni Konsehal Pastor ‘Jun’ Alcover Jr., sa ginanap na sesyon noong Agosto 16, 2023, na nagdeklara bilang persona non grata si Pagente.

Nakasaad sa resolusyon ang nakakasakit na kontrobersiyal na ‘Ama Namin’ (The Lord’s Prayer) remix at performance ni Pagente noong Hulyo.

Sinabi ni Alcover, ipinakita lamang ni Pagente ang pagiging bastos at walang galang na mga kilos sa mga pagpapahalagang panlipunan at kultura na may kaugnayan sa mga paniniwala sa relihiyon ng mga Cebuano.

Ang Cebu City ang unang lokal na pamahalaan sa Central Visayas na nagpataw ng persona non grata kay Pagente at sumunod na ang iba pang bayan kabilang ang Maynila. Mary Anne Sapico

Previous article54% ng mga Pinoy pabor sa pagpapalawak ng PH-US military ties sa WPS issue – OCTA
Next articlePagbalangkas sa oil spill contingency plan pinangunahan ng PCG sa Batangas