Home NATIONWIDE Pura Luka Vega persona non grata na rin sa Occidental Mindoro

Pura Luka Vega persona non grata na rin sa Occidental Mindoro

MANILA, Philippines – Idineklara na ring “persona non grata” ang drag artist na si Pura Luka Vega sa Occidental Mindoro.

“Ito ay kinakailangang gawin upang magsilbing aral at hindi na pamarisan… upang maipagpatuloy ang paggalang at pananampalataya sa ating Diyos Amang Lumikha, hindi lamang ng mga kabataan, kundi pati na rin ng buong Mamamayang Mindoreño,” sinabi ng konseho sa pahayag, na inaprubahan ng Occidental Mindoro Provincial Council headed sa pangunguna ni Vice Governor Diana Tayag.

Matatandaang umani ng samu’t saring kritisismo si Vega makaraang magtanghal at bastusin ang mga Katoliko sa pagsusuot ng tila sa Itim na Nazareno at sumayaw pa sa saliw ng remix version ng “Ama Namin.”

Nauna nang idineklara si Vega na persona non grata sa lungsod ng Maynila at marami pang mga lugar sa Pilipinas. RNT/JGC

Previous articleEstudyante, 2 pang tulak ng P120K droga, timbog
Next articlePlanong pagbuo ng 2M direct jobs ‘gang 2028 pinag-usapan nina PBBM, PSAC