MANILA, Philippines- Pinagbigyan ng korte ang motion for bail ni Pura Luka Vega ngunit nanatili pa rin siya sa kustodiya ng pulisya hanggang magbukas muli ang korte para sa pagsusumite ng requirements.
Ito ang ibinahagi ng kanilang “Drag Den Philippines” batchmate, NAIA Black, sa X o dating Twitter na ibinahagi rin ni director Rod Singh.
“UPDATE: Pura Luka Vega will stay in police custody. The motion for bail was granted later this afternoon after a clarificatory hearing but unfortunately, the court is already closed for the submission of the requirements for release,” ayon sa kanya.
Inaresto ang drag queen noong Miyerkules dahil sa reklamo na inihain ng religious group laban sa nag-viral na pagtatanggal ng “Ama Namin”
Kasunod nito naghain sila ng motion for bail kasama ang kahilingan na bawasan ang bail bond na P72,000.
Ang kaso ng drag queen ay inihain ng mga deboto ng Hijos del Nazareno dahil sa paglabag sa Revised Penal Code Article 201, na nagpapataw ng parusa para sa “immoral doctrines, obscene publications and exhibitions, and indecent shows.” Jocelyn Tabangcura-Domenden