Home NATIONWIDE Putin: Russia handang makipag-usap sa Ukraine

Putin: Russia handang makipag-usap sa Ukraine

MOSCOW- Sinabi ni President Vladimir Putin nitong Martes na handa ang Russia na makipag-usap sa Ukraine, United States at Europe ukol sa hinaharap ng Ukraine kung nais nito, subalit dedepensahan ng Moscow ang national interests nito.

Ilang ulit na inihayag ni Putin, na nagpadala ng mga sundalo sa Ukraine noong 2022, na bukas siyang makipag-usap ukol sa kapayapaan, bagama’t binanggit ng Western officials na hinihintay niya ang US presidential election sa Nobyembre bago magsagawa ng inisyatiba.

“In Ukraine, those who are aggressive towards Russia, and in Europe and in the United States—do they want to negotiate? Let them. But we will do it based on our national interests,” ani Putin sa pulong ng defense leadership sa Moscow.

“We will not give up what is ours,” giit ni Putin, at sinabing walang balak makipaglaban ang Russia sa Europe.

Konrolado ng Russia ang halos 17.5% ng teritoryong kinikilalang bahagi ng Ukraine nang mabuwag ang Soviet Union noong 1991.

Sinakop ng Russia ang Crimea noong 2014, at noong nakaraang taon ay sinabing apat na karagdagang rehiyon ng  Ukraine na kontrolado ng militar ang ilang parte ay bahagi ng Russia. RNT/SA

Previous articleDOLE sa private companies: Magpatupad ng WFH
Next articleDepEd: P18K SRI para sa mga guro sagad na