MANILA, Philippines – Inaasahan nang maglalabas ng mga order para sa importasyon ng puting sibuyas sa loob ng buwang ito bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na matiyak ang sapat na suplay sa merkado, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa isang panayam sa mga mamamahayag, sinabi ni DA Assistant Secretary Rex Estoperez na kasalukuyang nag-uusap sila ng mga stakeholder upang tiyakin ang eksaktong bilang, pero binanggit niya na ang unang volume ay magiging 8,800 metriko tonelada.
“Ito ay mga ballpark figures. Ang konsumo ay humigit-kumulang na 4,400 metriko tonelada [kada buwan] kaya kung [mag-import tayo para sa] dalawang buwan, iyan ang 8,800 metriko tonelada na tinitingnan namin ngayon,” aniya.
Advertisement