Home METRO Puting sibuyas ibinebenta na lang ng P17/kg sa N. Ecija

Puting sibuyas ibinebenta na lang ng P17/kg sa N. Ecija

MANILA, Philippines – Ibinebenta na lang ng P17 kada kilo ang mga puting sibuyas sa Bongabon, Nueva Ecija na dati ay ibinebenta ng hanggang P700 kada kilo noong Disyembre 2022.

“Bagsak na presyo ang white sibuyas na pumapalo ng 17 pesos per kilo pero wala pa pong bili. Marami pang stock na imported kaya di nabibili ang local na sibuyas,” ani Dan Alfaro, chairman of the Bongabon East Farmers & Fisheries Service Cooperative, sa panayam sa TeleRadyo.

Ang farmgate presyo ng puting sibuyas ay dapat na P50 ang isang kilo habang ang pulang sibuyas ay bahagyang mas mahal, aniya.

Bukod sa pag-aangkat, ang mga magsasaka ay nahaharap din sa iba pang hamon tulad ng pagtaas ng presyo ng pataba at infestation ng armyworms sa lalawigan. RNT

Previous articleDaniel, ‘purdoy’ na?
Next articleState of calamity idineklara sa San Fernando, La Union