Home METRO Puto vendor patay sa tambang

Puto vendor patay sa tambang

CABATUAN, ISABELA – Tila nababagalan ang mga kamag-anak nito dahil hanggang ngayon ay blangko pa rin ang kapulisan kung sino ang nasa likod sa pananambang sa isang puto vendor na ngayon ay pinaglalamayan na, matapos itong tambangan sa Barangay Luzon, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang biktima ng pamamaril na si Robert Pineda, 46 anyos at residente ng Luyao, Luna, Isabela.

Ang biktima ay nagdedeliver ng mga produktong puto at kutsinta sakay ng kanyang motorsiklo patungong Luna, Isabela.

Napag-alaman na ang mga suspek naman ay sakay ng Toyota Innova na kulay maroon

Sinusuri na ang mga kuha ng CCTV sa lugar para makilala ang mga sakay nito.

Batay sa kuha ng CCTV ay inabangan si Pineda ng mga suspek at pinagbabaril ng maraming beses.

May nakakita sa pamamaril na 15 metro ang layo mula sa pinangyarihan ng krimen.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng pamamaril ang 13 fired catridge ng Caliber 45 at tatlong fired slug ng caliber 45.

Sa ngayon ay nanawagan ang pamilya’t kamag-anak ng biktima sa kapulisan tutukan naman ang kasong pamamaslang sa kanilang pamilya. Rey Velasco

Previous article6 na Vietnamese, head security ng KTV bar inaresto sa laughing gas
Next articleLola utas sa van

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here