Home NATIONWIDE PUV modernization ‘di sustainable – grupo

PUV modernization ‘di sustainable – grupo

MANILA, Philippines – Hindi sustainable ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), kaiba sa sinasabi ng pamahalaan, ayon sa ilang grupo nitong Sabado, Disyembre 30.

Ang pahayag ng mga organisasyon na ito ay isang araw bago ang itinakdang deadline sa franchise consolidtion ng public utility vehicles.

Sinabi ng Kalikasan People’s Network for the Environment (KPNE) na ang plano ng Department of Transportation (DOTR) na palitan ang kasalukuyang PUV units ng “fragile” minibuses ay hindi “environmentally sound.”

Mas nais pa ng KPNE na i-rehabilitate na lamang ang kasalukuyang mga unit.

“Importing surplus minibuses that break down easily, in the context of worsening climate change impacts like flooding, and essentially wasting thousands of PUV units when they can be rehabilitated, can hardly be called sustainable,” pagbabahagi ni KPNE National Coordinator Jon Bonifacio.

Sa ilalim ng Department Order 2017-011, inilatag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga panuntunan sa PUVMP.

Sinasabi rito na dapat ang modern PUV units ay pasok sa EURO IV emission standards ang makina nito.

Ilalaan din ang iba pang unit na gumagamit ng alternative fuel sources, gaya ng electric at solar vehicles kapalit ng traditional jeepneys.

Sa kabila nito, bagama’t maganda naman umano ang intensyon ng pamahalaan, maaaring nakakalimutan pa rin ng DOTR ang prinsipyo ng “just transition.”

“The DOTr and the Marcos Jr. administration can throw around all the pro-environment language they want, but the PUVMP, at its core, violates the principles of a just transition,” paliwanag ni Bonifacio.

Aniya, ang just transition ay “ensuring that people’s rights are protected as we address environmental issues.”

Ganito rin ang ipinunto ng Youth Advocates for Climate Action Philippines (Yacap) sa pagpapatupad ng modernization program, na tumatapak umano sa karapatan ng transport workers.

“In transitioning towards a more sustainable and genuinely eco-friendly future, the processes involved should be fair, equitable, and just,” sinabi ni Yacap.

“A project or a policy cannot be considered environmentally friendly if it is not pro-people,” giit pa ng grupo.

Samantala, ang fishers group na Pamalakaya ay nagsabi na ang pagtutol sa PUVMP ay hindi nangangahulugan na anti-progress ang mga miyembro nito.

Nag-aalala lamang umano sila sa mga mawawalang hanapbuhay sa transport sector.

“We clarify that we are not against the modernization of public transportation as long as it is based on the capability and capacity of the operator, not for privatization,” sinabi ng grupo.

Matatandaang paulit-ulit ang DOTR sa pahayag nitong ang modernization program ay magbibigay ng “climate-friendly, and environmentally sustainable transportation system in the country.”

Para naman sa transport group na Piston, 28 milyong Filipino ang maaapektuhan sa “transport disaster” sa Metro Manila kung matutuloy ang modernization program. RNT/JGC

Previous articleMga senador nagbabala sa gun owners vs indiscriminate firing
Next articlePulis patay sa sariling baril