Home NATIONWIDE PUV modernization, ituloy nang walang nilalabag na karapatang pantao – CHR

PUV modernization, ituloy nang walang nilalabag na karapatang pantao – CHR

Larawan kuha ni Danny Querubin

MANILA, Philippines – KAILANGAN na mag-alok ng solusyon ang gobyerno para tulungan ang mga drivers at operators na nawalan ng kanilang kabuhayan dahil sa public utility vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno.

Sinabi ng Commission of Human Rights (CHR) na ang progreso ay hindi dapat na umabot at mauwi sa paglabag sa karapatang-pantao.

Ayon sa komisyon, ang malaking pasanin sa pananalapi ay nagmula sa PUV modernization na sa huli ay babagsak sa drivers at operators.

“It is worth noting that the vast majority of PUV operators are from the vulnerable sector,” ayon sa CHR sa kanilang kalatas sabay sabing “Adhering strictly to rigid consolidation deadlines may jeopardize PUV operators’ right to a sustainable livelihood.”

“While we believe that modernization and development are legitimate government goals, they must be pursued without violating fundamental human rights,” ayon pa rin sa CHR.

Idinagdag pa ng komisyon ang pangangailangan na iwasan ng pagpapataw ng

“undue burden” sa publiko kabilang na ang potensiyal na itulak ang mga drivers at kanilang pamilya sa kahirapan.

Nakasaad naman sa International Labor Organization Convention 87, na ang pagpartisipa o pagsali sa kooperatiba ay dapat na voluntary decision.

“The Commission calls on the government, particularly the relevant agencies, to take appropriate steps to address the issue of potential income loss among affected operators,” dagdag na wika ng CHR.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni 1-Rider Rep. Bonifacio Bosita na dapat na tumaas ang pamasahe sa P30 o hanggang P40 para ma-cover ang pang-araw-araw na gastos ng transport cooperatives na nagkaroon ng modernized jeepneys.

“PUV cooperatives will need about ₱7,000 a day to finance just one unit of modernized jeepney, which is worth nearly ₱3 million,” ayon kay Bosita. Kris Jose

Previous articleCastro sa ibinasurang kaso vs Digong: Hustisya parang pinagkait sa’kin
Next articleTubig sa Baguio negatibo sa fecal coliform bacteria