Home METRO PUV operators, drivers lusot muna sa bagong toll rate sa CAVITEX

PUV operators, drivers lusot muna sa bagong toll rate sa CAVITEX

MANILA, Philippines- Pansamantalang hindi sisingilin ng bagong toll rate sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) ang PUV operators at drivers, base sa Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC).

Naglalayon umano ito na matulungan ang mga pampasaherong sasakyan gaya ng jeep, UV express, at mga bus kaya naman hindi muna sila sisingilin ng bagong toll rate sa loob ng tatlong buwan.

“We recognize the impact of the toll increase on Class 1 and Class 2 PUV drivers. That’s why we’re reactivating our Abante Card program to provide some relief during this transition,” sabi ni MPTC President and CEO Rogelio Singson.

“We believe this program will help alleviate the financial burden on our valued PUV drivers and provide them with a smoother transition,” aniya pa.

Paalala niya, kailangan umanong irehistro ng mga operator o drayber ang kanilang RFID account para ang luma pa ring rate ang ikakaltas sa kanila kapag dumaan sa CAVITEX.

Samantala, nasa 160,000 motorista naman ang maaapektuhan ng dagdag-singil sa toll, batay sa Toll Regulatory Board (TRB). RNT/SA

Previous article5 durugista timbog sa P102K ‘shabu’ sa sinalakay na drug den sa Bulacan
Next articleMga aklat, module na nasira ng baha sa Bulacan papalitan ng DepEd