Home HOME BANNER STORY Pwersa ng NPA ubos na – AFP spox

Pwersa ng NPA ubos na – AFP spox

277
0

Manila, Philippines-Iniulat ng Armed Forces of the Philippines na ang natitirang pwersa ng New People’s Army, ang armadong unit ng Communist Party of the Philippines at National Democratic Front, ay 1,800 na lamang mula 24,000 noong kalagitnaan ng dekada 80 at iisa na lang ang guerilla front sa Northern Samar.

“Indeed, we have achieved strategic victory as far as countering the communist insurgency is concerned,” ulat ni AFP spokesman Colonel Medel Aguilar sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Nauna rito, sinabi ni Chief of Staff General Andres Centino, matapos ang kanilang command conference noong isang linggo sa Camp Aguinaldo, ang Sandatahang Lakas ay mag-iiba o maglilipat na ng focus mula sa internal security operations papunta sa external defense operations o panlabas na depensa.

Ayon pa kay Aguilar, sa 1,800 NPA, 400 ay tukoy na nahaharap sa mga kasong criminal at ngayo’y target ng “focused military operations.”

“Kailangan isipin na lamang nila na magbalik na sa kani-kanilang pamilya at magbalik-loob sa pamahalaan,” hikayat ni Aguilar sa mga rebelde.

Dagdag pa niya, ang mga tukoy ng nalalabi pang mga NPA ay humahawak ng matataas na posisyon sa CPP-NPA-NDF, kaya nakapag-uutos pa sa kanilang mga kadre na huwag susuko, upang ‘di mapahiya. Kailangan aniya na mabigyan sila ng “graceful exit.”

Sa nagdaang mga buwan umano, 600 na mga NPA ang kung di man napatay sa mga enkwentro ay nagsisuko na, na lalong nagpabawas sa bilang nila na 2,400 noong 2008.

Ang paglalansag sa ‘politico-military structure’ ng CPP-NPA-NDF ang sentro ngayon ng AFP upang makamtam ang “total victory.”

Ito umano’y makakamtan kung ang CPP-NPA ay ‘di na kayang mang-api pang muli sa ating mga kababayan sa mga kanayunan.

Ayon kay Aguilar, ang AFP ay ‘di pa rin nakalilimot sa mandatory nito na panatilihin ang mapayapang pamamaraan para tapusin ang matagal nang suliranin sa insureksyon na ninanais din ni Pangulong Bong Bong Marcos. RNT

Previous articleManifesto ng hinaing vs airlines inilabas ni Sotto
Next articleWater level ng Angat, Ipo, Bustos patuloy sa pagbulusok

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here