Home HOME BANNER STORY Q fever may mild symptoms lang – eksperto

Q fever may mild symptoms lang – eksperto

MANILA, Philippines – Sinabi ng isang infectious disease expert na nagtataglay lamang ng mild symptoms ang Query (Q) fever cross transmission.

Ang Q fever ay karaniwang nagmumula sa mga hayop tulad ng baka, kambing at tupa na dulot ng bacteria na Coxiella burnetti.

Sinabi ni infectious disease expert Rontgene Solante na ang human-to-human transmission ng Q fever ay bihira.

Ayon pa kay Solante na madalas na kapag mayroong cross-transmission mula sa hayop sa tao, bihira ding nagdudulot ng severe infection.

Idinagdag pa ng eksperto na kadalasan ay malamang 60 hanggang 70 porsiyento na self-limited disease na maari ding mawala kahit hindi mag-antibiotic.

Ang kadalasang sintomas ng naturang sakit ay lagnat, pananakit ng ulo, at pananakit ng katawan . Maari itong matukoy sa pamamagitan ng pagsusuri sa dugo na sensitibo sa Q fever.

Kadalasan ding vulnerable sa Q fever ang mga nagpapakain at nag-aalaga ng mga hayop dahil sila ay nalalantad na maaring magdulot ng malubhang problema sa kalusugan tulad ng endocarditis o pamamaga ng puso o pamamaga ng utak.

Pinayuhan din ng eksperto ang mga nag-aalaga ng mga baka at kambing sa buong bansa na magsuot ng guwantes at facemask dahil ang mga particle ng tuyong dumi ng hayop ay maaring makapasok sa baga.

Nito lamang nakaraang linggo nang iulat ng Bureau of Animal Industry ng Department of Agriculture ang unang kaso ng Q fever sa bansa.

Sinabi ni Solante na sa ngayon ay wala pang Q fever patients na dinadala sa san Lazaro Hospital at sa Research Institute for Tropical Medicine. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)