MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Biyernes, Mayo 19, ang pagsasagawa ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa second quarter ng taon na gaganapin sa Hunyo 8.
Sa post nito, sinabi ng OCD na mangyayari ang earthquake drill bandang alas-9 ng umaga.
Nanawagan ito sa publiko na makiisa sa drill upang mas maging handa sa panahon na tumama ang isang malakas na lindol sa bansa.
Advertisement