Home METRO QC Councilor Dok G namimigay ng bag, sapatos bitamina sa mga estudyante

QC Councilor Dok G namimigay ng bag, sapatos bitamina sa mga estudyante

IPINAGPATULOY ng isang konsehal mula sa ikatlong distrito ng Lungsod Quezon ang kanyang nakagawian nang pamamahagi ng libreng bag, sapatos at bitamina sa mga bata sa lahat ng 37 barangay sa lungsod.

Para kay Konsehal Dra. Geleen “Dok G” Lumbad, ang sustainability ng kanyang mga programa ay kinakailangan sa kinabukasan at pangangailangang pang-edukasyon ng kabataan kaya patuloy ang pamamahagi nila ng de kalidad na sapatos sa day care, kinder at Grade 1 hanggang Grade 6 na mga bata sa kanilang distrito, pati na rin sa ilang lalawigan.

Namigay rin sila ng mga bitamin sa matatanda sa iba’t ibang barangay bilang bahagi ng kanyang lingguhang programa.

Sa kabila ng pagiging buntis, patuloy na nakikipagtulungan ang ina ng tatlong lalaki, sa mga kapwa konsehal at kay Mayor Joy Belmonte upang matuguan ang mga isyu sa kanilang kapaligiran.

“Ang ating Mayor Joy Belmonte ay naging very supportive at productive sa lahat ng mga distrito dito sa Quezon City, kasama na sa ating ikatlong distrito, at tayo ay lubos na nagpapasalamat sa kanyang dakilang passion bilang isang public servant at bilang ina ng ating lungsod,” ani Lumbad. RNT