Home METRO QC fire chief ginisa sa fire protocol lapses

QC fire chief ginisa sa fire protocol lapses

624
0

MANILA, Philippines- Ginisa sa Quezon City Council ang fire chief na si Fire Marshall Aristotle Bañaga dahil sa umano’y lapses ng fire protocol makaraang payagan ang media sa panahon ng sunog na ikinasawi ni PNP retired General George Ancheta sa insidente noong nakaraang linggo.

Sa privilege speech ni majority floor leader Councilor Dorothy Delarmente sa QC Council hiniling nito na ipaliwanag  ng fire official kung bakit nauna pang nakaalam ang media sa pagkasawi ni Ret. Gen. Ancheta bago ang pamilya ng biktima.

Ito’y matapos hindi maipatupad ni Bañaga ang dapat sana’y fire protocol matapos payagan ang media na makapanayam ang asawa ng biktimang si Gen. Ancheta at kasambahay habang sila ay gulat pa sa pangyayari.

“Bakit kasi walang yellow line? Para makontrol ang crowd at media at naipatupad ang fire protocol. Bakit mo (Bañaga) pinayagan ang panayam sa aking tiyahin at katulong sa bahay na nakaligtas sa insidente?” tanong ni Delarmente.

Si Ancheta na 76-anyos at retiradong PNP general, residente ng No. 9 Williams St., Carmel 3 Subd., Brgy. Tandang Sora, QC ay nasawi sa naturang sunog. Kapatid siya ng ina ni Delarmente, si dating Councilor Beth Delarmente. Ang kanyang mga labi ay natagpuan sa master’s bedroom ng kanilang dalawang palapag na bahay nung gabi ng Mayo 17.

Kaugnay nito, natukoy ng QC government ang mga lapses sa sunog na ikinasawi ng dating heneral at sinabi na nakita ang ilang mga pagkakamali sa paghawak ng insidente ng sunog, kabilang dito ang pagsisiwalat ng pangalan ng nasawing biktina sa media bago pa naabisuhan ang pamilya ng biktima.

Samantala sa imbestigasyon na iniutos ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto, napag-alaman na ang Quezon City Fire Department ay nabigo sa maayos na pakikipag-ugnayan sa pamilya ng biktima at sa halip ay inilabas ang impormasyon sa media.

Natukoy ang mga pagkakamali sa pagdinig ng Committee on Laws noong Miyerkules na pinamumunuan ni Konsehal Wency Lagumbay, kung saan ipinatawag at inimbitahan ni Konsehal Rannie Ludovica — na namumuno sa Committee on Public Order — ang mga bumbero ng lungsod mula sa Bureau of Fire Protection upang bigyang-linaw kung ano talaga ang nangyari sa panahon ng sunog.

“May mali tayong sistema. Nalaman ng mga kamag-anak ng biktima ang kanyang pagkamatay pagkalipas ng ilang oras habang alam ito ng aming pamilya sa pamamagitan ng programang iyon ng balita. Paano na?” sabi ni Delarmente.

Napag-alaman din sa imbestigasyon na ang QC Fire Department ay nabigo sa maayos na pangangasiwa sa kumpulan ng mga tao na nagtipon sa pinangyarihan ng sunog na nagdulot ng kaguluhan at kalituhan at nagpahirap sa mga bumbero na gawin ang kanilang trabaho.

Kaugnay nito ay humingi naman ng paumanhin si Quezon City Fire Marshal Aristotle Bañaga sa mga pagkakamali. Santi Celario

Previous articleOFW na may pekeng dokumento, sinagip ng BI
Next articleHigit P190M ilegal na droga, narekober sa Laguna

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here