Home HOME BANNER STORY QC fire chief nasa hot seat sa pagpayag sa media sa fire...

QC fire chief nasa hot seat sa pagpayag sa media sa fire scene

539
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni INTERIOR Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. nitong Martes ang Bureau of Fire Protection na imbestigahan ang mga umano’y lapses sa protocol na ginawa ng fire marshal ng Quezon City sa isang insidente ng sunog na nagresulta sa pagkamatay ng isang retiradong heneral ng pulisya noong Mayo 17.

“Labis kaming nagmamalasakit sa mental well-being at privacy ng lahat ng survivors. Rest assured that we will investigated this matter thoroughly, and we will impose the proper sanctions where warranted,” ani Abalos sa isang pahayag.

Ang direktiba ng DILG chief ay kasunod ng pagpuna ni Quezon City Councilor Dorothy Delarmente sa pagpayag ng fire bureau sa isang reporter sa telebisyon na makalampas sa fire lane at makapanayam ang noon ay naguguluhan pang asawa ng retiradong police general na si George Ancheta Jr. at kanilang kasambahay.

Nasawi sa insidente ang 76-anyos na si Ancheta matapos itong maipit sa kanyang kuwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Carmen 3 Subdivision sa Barangay Tandang Sora.

Binatikos ni Delarmente — pamangkin ng mga Anchetas — ang fire marshal ng Quezon City na si Aristotle Bañaga dahil sa umano’y pagpayag nito sa media na makakuha ng access sa pinangyarihan ng sunog bilang paglabag sa mga protocol.

Sinabi ni Director Louie Puracan, hepe ng BFP, na naglabas na sila ng show-cause order laban kay Bañaga. RNT

Previous articleBugaw sa mga menor sa Angeles himas-rehas
Next articlePinas tatanggap ng $4B grant sa ADB para sa socio-economic, infra dev’t

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here