MANILA, Philippines – Itinanghal ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang Quezon City bilang 2023 Most Business-Friendly local government unit (LGU) Award-City Level 1A sa ilalim ng Highly Urbanized City category.
Sa press release, tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang parangal kasama si Business Permits and Licensing Department Head Margie Santos, City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo, Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap, at Local Economic Investment and Promotions Office (LEIPO) Head Jay Gatmaitan.
Ang PCCI-QC, sa pangunguna ni Pangulong Arch. Alfred Carandang, ay nakakuha ng Most Outstanding Chamber para sa NCR at Philippines-City Level 1.
“Ibinabahagi ko ang mga parangal na ito sa ating mga opisyal at empleyado ng lungsod na walang sawang nagtatrabaho upang mabigyan ang mga negosyo ng perpektong klima kung saan sila ay maaaring umunlad, at magbigay ng trabaho at mga pagkakataon sa kabuhayan sa QCitizens,” sabi ni Belmonte.
“Ang tagumpay na ito ay nagpapatunay na tayo ay patungo sa tamang direksyon, nagsisilbing inspirasyon at isang puwersang nagtutulak sa atin upang bumuo ng higit pang mga programa at proyekto na tutulong sa mga negosyo na umunlad,” dagdag niya. Santi Celario