Home METRO QC-PLEB nagulat, Abong aktibo pa rin sa PNP sa kabila ng dismissal...

QC-PLEB nagulat, Abong aktibo pa rin sa PNP sa kabila ng dismissal order noong Marso

MANILA, Philippines – Nagulat ang Quezon City People’s Law Enforcement Board (PLEB) sa ulat na si Mark Julio Abong — isang pulis official na naaresto dahil sa pagpapaputok umano ng baril sa labas ng isang bar — ay aktibong miyembro pa rin ng PNP kahit na ipinag-utos itong tanggalin sa serbisyo dahil sa kaso nito na may kaugnayan sa isang hit-and-run na noong 2022.

Nauna rito, magugunitang noong Marso 27, inilabas ng PLEB ang desisyon nito nang pagsibak sa serbisyo kay Police Lt. Col. Mark Julio Abong dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagtatakip ng hit-and-run na insidente na ikinamatay ng isang tricycle driver noong Agosto ng nakaraang taon.

Sinabi ng executive officer at abogado ng QC-PLEB na si Rafael Calinisan na si Abong ay napatunayang nagkasala “para sa mga malubhang pagkakasala ng maling pag-uugali, matinding pagpapabaya sa tungkulin, at pag-uugali ng hindi pagiging isang pulis na may nagpapalubha na kalagayan ng pagtatrabaho ng mga mapanlinlang na paraan upang itago ang isang pagkakasala.”

Kaugnay nito, binigyang-diin din ni Calinisan na ang mga desisyon ng board ay “final and executory” na nakasaad sa Republic Act (RA) 6975 o Department of the Interior and Local Government (DILG) Act of 1990; RA 8551 Philippine National Police Reform and Reorganization Act of 1998; at National Police Commission Circulars 2016-002, at 2019-005.

Sinabi pa nito na mali at lubhang nakakagulat para sa PLEB na malaman na aktibo pa ring miyembro ng PNP si Abong.

Idinagdag pa ng PLEB na nababahala sila dahil patuloy na ipinakikilala ng naturang opisyal na siya ay miyembro ng PNP ayon kay Calinisan. Santi Celario

Previous articleMost wanted na rapist sa Balagtas, nadakma sa CamSur
Next articleDENR PARARANGALAN ANG PINAKAMALINIS NA MGA ESTERO SA METRO MANILA